Una sa Balita

Paolo natameme kay Maricel

By
0 3,404

Binigyang-linaw ng direktor ng My 2 Mommies na si Eric Quizon ang tila reklamo ng mga tagahanga ni Maricel Soriano kung bakit daw sa comeback movie nito sa Regal, support lang.

Ang mga bida kasi ng My 2 Mommies ay sina Paolo Ballesteros at Solenn Heusaff. Pero sabi ni Eric, desisyon daw mismo ‘yun ni Marya.

Aniya, “You know what, it’s Marya’s decision, not mine. It was not Regal’s decision, it was Marya’s decision. Kasi, gusto niyang gawin ang pelikula.”

Biro pa ni Eric, feeling daw niya, gusto lang daw nitong mag-practice.

Ang totoo nga kasi, meron sanang movie na original na gagawin nilang dalawa sa Regal. Tuloy pa rin naman daw ‘yun, pero inaayos pa. Nang ipabasa naman daw niya kay Marya ang script ng My 2 Mommies, nagustuhan naman nito.

Ang laking bagay naman daw talaga na nasa pelikula ng pang-Mother’s Day offering na ito si Marya.

Sey ni Eric, “Of course, it gives the movie another dimension. Parang si Marya, nandiyan. It gene­rated interest. Ako, as a director and if I’m thinking as a producer, siyempre iba ‘yung may Marya.”

Ibinuko naman ni Eric si Paolo Ballesteros na sa first shooting day nila pala na kaeksena na ni Paolo si Marya, hindi raw nito masabi-sabi ang linya.

“Hindi niya masabi ang linya niya dahil kaeksena niya si Marya. May proof ako. Hahaha!”

Sabi namin, lumaki kasi si Paolo na idol niya si Maricel.

“But yes, nakikita mo ‘yung respeto. Hindi naman ‘yung intimidation, pero ‘yung kaeksena ko si Inay, ‘yung ganun.”

Sa ngayon, umpisa pa lang ang My 2 Mommies sa ididirek ni Eric sa Regal Films. Pumirma na raw siya ng kontrata sa Regal kaya marami pang kasunod. Isa na rito ang Titas of Manila na mga dating 13,14,15 girls na sina Aiko Melendez, Carmina Villarroel at Ruffa Gutierrez.

Arjo napabayaan ang dyowa

Halatang ayaw pang magkuwento ni Arjo Atayde ng mga detalye sa mga kasalukuyan niyang proyekto ngayon at mga gagawin pa. May isang pelikula na raw siyang natapos at meron pang gagawin pero nakiusap si Arjo sa press sa parehong movies na talagang hindi pa raw niya puwedeng i-reveal.

Nagsabi rin si Arjo na dahil totoo namang mahigit dalawang taon yata siyang nagdire-diretso sa paggawa ng teleserye, mula sa Ang Probinsyano hanggang sa katatapos na Hanggang Saan, gusto muna raw niyang magpahinga sa serye. Kahit daw mga dalawa hanggang tatlong buwan. Plano ni Arjo na bumawi, lalo na raw sa mga nakababatang kapatid, mag-travel at siyempre, makabawi rin ng oras sa girlfriend na si Sammie Rimando.

‘Yun nga lang, mukhang walang ideya si Arjo na nakausap na ng press ang Diamond Star na si Maricel Soriano at ito ang nagkuwento na gaganap silang mag-ina sa The General’s Daughter, ang comeback serye nito sa ABS-CBN na pinagbibidahan ni Angel Locsin.

Halatang nagulat si Arjo at nag-beg-off na lang na idetalye ang role niya. Basta sa lahat daw ng ginampanan na niya, ito na raw siguro ang pinaka-challenging sa lahat at talagang napi-pressure siya kung mabibigyan niya ng justice. Pero malaking tulong daw si Maricel na nag-encourage na sa kanya na kaya niya ‘yun at susuportahan din siya.

Kaya hindi pa rin talaga makakapagpahinga muna si Arjo sa serye, huh!

Anyway, si Arjo ang celebrity endorser ng The Origin Series perfumes ng Beautederm. Bilib si Ms. Rea Anicoche-Tan na may-ari ng Beautederm kay Arjo. Bukod sa husay sa pag-arte, mas kinabiliban din niya ang pagiging magalang daw nito na kahit laking mayaman, may magandang manners talaga.