Una sa Balita

Paolo muntik atakehin sa pagpayag ni Piolo na maging leading man

By
0 33

Lumaki nang husto ang mga mata at bunganga ni Paolo Bal­lesteros nang may magsabi sa kanya na papayag naman daw si Piolo Pascual na ma­ging leading man.

Hindi pa nga raw niya alam kung ano ang gusto niyang ma­ging roles nilang dalawa dahil baka himatayin muna siya o baka maatake na raw muna siya sa puso.

Well, kung may maganda nga raw na istorya at talagang may offer, bahala na raw ang kanyang manager makipag-usap pero, of course, sino raw ba ang tatanggi sa isang Piolo Pascual, devah?

Anyway, tanggap na rin daw ni Paolo na ang pagi­ging isang cross-dreser ang dahilan kung bakit maganda ang career niya ngayon, kaya hangga’t may nagbibigay sa kanya ng ganitong klaseng project ay go lang siya nang go.

At least, dito nga raw sa pelikulang Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies ay kasama niya sina Wally Ba­yola at Jose Manalo sa pinasikat nilang cha­racter sa Eat Bulaga bilang sina Lola Tidora, Lola Nidora at Lola Tinidora na at home na at home na siya.

Abangan na nga lang daw ang kakaibang riot sa katatawanan ang pelikulang ito na obviously ay inspired ng Korean movie na Train To Busan.

Pila na sa November 22, huh!