Una sa Balita

Paolo, Mans kokomprontahin ni Trillanes

By ,
0 1

Makakaharap na rin ni Sen. Antonio Trillanes IV sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at ang bayaw nitong si Atty. Manases ‘Mans’ Carpio makaraang imbitahan na ang dalawa sa pagdinig sa Huwebes ng Senate Blue Ribbon Committee sa shabu scandal sa Bureau of Customs (BOC).

“Pinatatawag na namin ‘yung dalawa sapagkat kahit anong gawin ninyo, kahit anong gawin ko, sinasabi natin na hearsay, sinasabi nating sila ay anak ng Pangulo, sila ay kamag-anak ng Pangulo, dapat ipatawag.

And that is why I agreed na ipatawag po sila in the first place,” ayon kay Gordon.

Kahit puro hearsay lamang umano ang pagkakadawit sa dalawa ay mas makabubuting ipatawag na rin ang mga ito upang mabigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag at maibigay ang kanilang panig.

Nagpahayag naman ng kahandaan si Trillanes na harapin at komprontahin ang magbayaw, sagutin man siya o hindi ng mga ito kaugnay ng pagkakadawit sa smuggling sa BOC.

“Regardless whether they would cooperate or not, I will be prepared to confront them on Thursday,” ayon kay Trillanes na kumbinsidong dahil sa public pressure kaya nag-iba ang ihip ng hangin at nagpasya na rin si Gordon na ipatawag ang dalawa.

Kaugnay nito, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na karapatan nina Duterte at Carpio na huwag magsa­lita sa pagdinig ng komite dahil maaaring gamitin itong ebidensya laban sa kanila.

Subalit may kapangyarihan umano ang komite na patawan ng contempt ang resource persons kung magiging ‘evasive’ sa pagsagot sa mga tanong.

“A resource person would invite contempt citation for being evasive. That is in our rules,” diin ni Lacson.