Una sa Balita

Paolo kinilabutan sa lampungan kay Yam?

By
0 5,432

Tungkol sa isang beki na nagkaroon ng disgrasya at amnesia ang kuwento ng bagong pelikula nina Paolo Ballesteros at Yam Concepcion.

“Pag gising niya, hindi niya alam kung sino siya, kung ano ba siya.

“Na-in love siya sa isang babae at lahat ito, naganap sa isang isla na walang Internet kaya hindi talaga alam kung sino siya,” ang maiksi na kuwento ni Paolo tungkol sa role niya sa Amnesia Love.

May mga maiinit na eksena sa pelikula sina Paolo at Yam pero tiniyak ng TV host-actor na hindi siya kinilabutan sa mga intimate scene nila ni Yam.

Mga artista sabik nang mabasa ang libro ni Mark

Hindi nakapagtataka kung maging best seller ang Beyond The Mark dahil kahapon ito lumabas sa mga bookstore pero Huwebes pa lang, marami na ang naghahanap at nagtatanong tungkol sa tell-all biography book ni Mark Bautista.

Kinumpirma ng mga salesclerk ng isang National Bookstore branch sa Makati na pinuntahan namin noong Huwebes na nakakatanggap na sila ng mga inquiry at reservation mula sa mga nagnanais na bumili ng controversial book ni Mark.

Hindi lamang ang mga ordinaryong tao ang curious na mabasa ang Beyond The Mark dahil interesado rin sa libro ni Mark ang kanyang mga kapwa artista.

Ai-Ai, Marvin, Heart, Shaina nagsama-sama para kay Carlo

Nagkaroon ng block screening sa Cinema 8 ng Powerplant Mall noong Huwebes nang gabi ang Meet Me in St. Gallen. Ang mga artista na gumanap na anak ni Ai-Ai delas Alas sa Ang Tanging Ina ng Star Cinema ang sponsor ng block scree­ning bilang suporta kay Carlo Aquino, ang lead actor ng Meet Me in St. Gallen.

Sa Ang Tanging Ina, si Carlo si Dimitri Montecillo o Tri, ang pangatlo sa sampung anak ni Ai-Ai sa blockbuster movie ng Star Cinema noong 2003.

Dumalo sa block screening ng Meet Me in St. Gallen sina Ai-Ai, Carlo, Shaina Magdayao, Heart Evangelista, Nikki Valdez, Jiro Manio, ang direktor na si Irene Villamor at si Joyce Bernal, isa sa mga producer ng pelikula.

Nang matapos ang screening ng Meet Me in St. Gallen, parang mga film critic na nagpalitan ng opinyon tungkol sa pelikula ang grupo.

Sinabi ni Shaina kay Carlo na nagustuhan niya ang third act ng Meet Me in St. Gallen. Pinuri rin ni Shaina ang performance ni Carlo.

Ang magkaroon uli ng sequel ang Ang Tanging Ina ang reaksyon ng mga tao sa muling pagsasama-sama ng original cast sa special screening ng Meet Me in St. Gallen.

Jiro Manio ayaw nang bumalik sa showbiz

Tahimik lamang si Jiro Manio habang nagbabaliktakan ang kanyang mga kasama. Lumuwas pa si Jiro mula sa Bataan para makadalo sa block screening ng Meet Me in St. Gallen na reunion na rin ng cast ng Ang Tanging Ina.

Nagtatrabaho na si Jiro sa isang rehabilitation center sa Bataan at alam namin na ayaw na niya na bumalik sa showbiz.

Iginagalang namin ang desisyon ni Jiro na ma­ging private citizen kaya hindi kami nagtanong tungkol sa mga nagaganap ngayon sa buhay niya. Huling nakita si Jiro sa lamay para kay Maryo J. delos Reyes dahil nakiramay siya sa mga naulila ng direktor niya sa award winning movie na Magnifico.