Una sa Balita

Paolo kabog ang pasabog sa ‘Born Beautiful’

0 1,089

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyUmakyat ng paniba­gong level ang husay ni Paolo Bal­lesteros nang gayahin niya si Mama Mary sa isa sa kanyang mga pop-up appearance sa “Born Beautiful” sa naganap na uncut version special free-screening ng pelikula nong Biyernes nang gabi sa UP Cine Adarna, Diliman.

Sumabog sa pagkamangha at tawanan ang mga manonood dahil sa plakadong make-up transformation-impersonation na ginawa ni Paolo.

Nakadagdag pa ng hilarious element sa pelikula ay ang dalawang beses na pagkakasampal ni Paolo kay Martin Del Rosario na gumaganap na Barbs at bida sa movie. Pero hindi siya nagawang sampalin pabalik ng aktor dahil sa dialogue na, “hindi puwedeng sampalin, Mama Mary.”

Isa lang ang napakaraming hilarious scenes ng “BB” sa buong pelikula, na talagang gugulong ka sa tawa at halakhakan lalo’t patay-malisya ang pagkakabitaw ng mga linya na bumabanggit ng private parts ng tao at sa sexual act, gaya ng “kinantot”, “titi”, “tsupa” at iba pang sitwasyon.

Sa pelikulang ito mas nabigyan ng mga highlight ang character actor na si Lou Veloso bilang Mamah Flora ng mga beki sa Happy En­ding Funeral Parlor, na pag-aari ng huli.

Masuwerte ang mga nanonood sa Cine Adarna, dahil bukod sa nakalibre na sila, buong-buo ang pelikulang napanood nila.

Ayon kay direk Perci, ibi-bleep ang ilang mga vulgar dialogue sa movie kahit na R-18 ang ibinigay na ratings ng MTRCB.

Hindi mabibigo ang mga adult viewer sa pelikula dahil nasa BB na ang lahat ng element ng isang nakakatawa, nakakaaliw na pelikula, na ang mga dialogue ay sangkap ng pang-araw-araw na huntahan ng mga tao, at ang mga sitwasyon ay nangyayari naman talaga sa tunay na buhay.

Gusto naming i-congratulate si direk Perci Intalan sa maayos na pagkakadirehe niya ng pelikula, sa creative head ng movie na si direk Jun Lana at sa scriptwriter.

Ngayon lang kami tumawa nang super lakas sa isang comedy film.

Louise umaapaw ang kaligayahan sa non-showbiz dyowa

Mukhang tapos na sa kanyang dialogue na “Hanggang Kailan” si ­Louise De Los Reyes dahil umaapaw sa kaligayahan ang puso at personal life niya sa kasintahang non-showbiz.

Ayaw magsalita nang patapos ni ­Louise kung aabot ba sa kasalan ang kanilang pagmamahalan ng kanyang boyfriend, pero ito na ang gusto niyang makasama sa pangmatagalan.

Sabi nga nito sa interview namin sa kanya sa nakaraang media/blogger launch ng pelikula nila ni Xian Lim, ang “Hanggang Kailan” directed by Bona Fajardo, produced by Viva Films and BluArt Productions, sobra ang support ng kasintahan nito sa kanya.

Napakalawak daw ng pang-unawa nito sa kanyang buhay bilang artista at laging mayroon itong malasakit para sa kanya.

Minsan lang raw sila nagkaroon nang kaunting tampuhan, at ito ay dahil sa bibilhing raincoat sa Siargao.

Dahil sa magandang takbo ng relasyon nito sa non-showbiz bf, bukas si Louise sa posibilidad na pasukin ang “living in”.

Kahit na nga malapit lang daw ang bahay ng kasintahan sa kanyang tinutuluyan at madalas naman silang mag-out of town, payag siya sa living in.

Diretsahang sinasabi ni Louise ngayon lang siya nagkaroon ng relasyong buong-buo ang kasiyahan niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy