Una sa Balita

Paolo, Christian, Martin takaw pansin sa red carpet

0 322

In character na rumampa sina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario sa red carpet premiere ng movie nilang The Panti Sisters last Tuesday sa SM Megamall.

Naka-gown, makulay na wig, fully made up ang tatlong bida kaya naman mega-tili ng mga tao sa kanilang pagpasok!

Sa totoo lang, all out entertaining ang pelikula and take note, magkakaaway man ang character nila bilang magkakapatid, sabog sa tawanan ang kada hirit nila sa kanilang mga eksena, huh!

Of course, sanay na sa comedy si Paolo pero may mga banat talaga siyang magpapasakit ng tiyan ng manonood. Pa-cute naman si Martin bilang bading na K-pop ang hitsura.

At si Christian, magaling talagang aktor na ang character naman ay baklang maton, huh!

Kung super tawa kayo sa “Die Beautiful” nina Paolo at Christian, at “Born Beautiful” ni Martin, times three ang aliw factor sa “Panti Sisters” dahil tatalo silang nagbigay-aliw sa lahat ng eksena, huh!

Sa premiere night nila, nagkabugan sa pagrampa, pagandahan ang tatlo.

Regine hindi kayang palitan ni San Jose

Hati sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa pagsigaw ng “The Clash! Isa laban sa lahat, lahat laban sa isa!” na unang pinasikat ni Regine Velasquez nu’ng siya pa ang host ng unang season ng Kapuso singing competition.

“Kasi Season 2 kaya dalawa na kami! Kaya kailangan mas matindi!” rason ni Julie sa mediacon ng naturang kompetisyon na magsisimula sa September 21 kapalit ng “Starstruck”.

Siya na nga raw ang pumalit sa puwesto ni Regine sa pag-alis ng veteran singer-actress.

“Hindi ko po iniisip ‘yon. Wala naman pong kailangang palitan. Hindi ko po naisip like hindi ko dapat palitan or walang dapat palitan. Hindi dapat palitan si Ate.

“Eversince idol ko po siya nu’ng bata pa po ako. Pinapanood ko na siya palagi. Movies niya, kung paano siya magsalita, paano mag-host.

“She’s one of the main reasons kung bakit naging successful ang ‘The Clash’ kaya ako po, naniniwalang hindi, I don’t have to fill anyone’s shoes,” rason ng Asia’s Singing Sweetheart.

“Inuulit ko, walang kailangang dapat palitan. We just have to deliver and we promise to do our best!” diin ni Julie Anne.

Bukod kina Julie Anne at Rayver, makakatuwang nila bilang Journey hosts sina Ken Chan at Rita Daniela. Buo pa rin ang judges na sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai Ai delas Alas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy