Una sa Balita

Paolo Ballesteros pinupuri ng international publications

By
0 4
paolo-arya-makeup
Paolo bilang Arya Stark ng G.O.T.

Kahit hindi pa rin aktibo sa TV si Paolo ­Ballesteros, patuloy naman na umaani siya ng papuri dahil sa kanyang mga make-up transformations.

Hindi lang dito sa atin nakakatanggap ng magagandang comments si Paolo kundi pati na sa ibang mga international publications tulad ng Teen Vogue, Glamour, Hello Giggles, Yahoo! Style at Australia Network News.

Pati na ang mga international blogsites na The Bitbag Injection, Logo at Feed The Web ay hangang-hanga sa mga make-up creations ni Paolo.

Sa kanyang Facebook account ay nagpasa­lamat si Paolo sa mga websites na nag-feature ng kanyang mga make-up transformations.

Lalo na ang kanyang paggaya sa cast ng Game of Thrones na ang mismong mga cast members ay pinuri ang gawa niya.

Kabilang sa mga Game of Thrones cast members na ginaya niya ay sina Cersei Lannister, Daenerys Targaryen, Arya Stark, Brienne of Tarth, Melisandre, Margaery Tyrell and Sansa Stark.

Natuwa nga si Paolo sa comment ng Teen Vogue sa kanya na: “This is probably the greatest makeup artist in history?!”

Busy ngayon si Paolo sa pag-shoot niya ng indie film na Die Beautiful kunsaan gumaganap siya bilang isang transsexual.

Marami pa rin ang naghihintay sa kanyang pagbabalik bilang si Lola Tidora sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Kiko Estrada pangarap maging indie film director

Bukod sa pagiging aktor sa TV at pelikula, inaasam din ng isa sa bida ng GMA teleserye na Sinungaling Mong Puso na si Kiko Estrada ang maging isang film director balang araw.

Na-inspire nga si Kiko nang gawin niya ang indie film na Diyos-Diyosan kunsaan pinatanda siya at nabigyan siya ng mabibigat na eksena.

Balang-araw ay gusto niyang siya naman ang nasa likod ng kamera.

kiko-estrada-siungaling-cast
Ricky, Jazz, Kiko, Rhian at Rafael

“Actually I’m making a script right now and I read about sila Stanley Kubrick and all those directors, they didn’t go to film school and they just winged it and if you fall in love with your craft.

“I wanna be around film makers and productive people to make art. I love film making.
“I would love to direct, I would love to be behind-the-scenes,” sey pa niya.

Sa ngayon ay pinaghuhusay ni Kiko ang kanyang pagganap bilang si Jason sa Sinungaling Mong Puso.

Ayaw nga raw niyang mapahiya dahil alam niyang isang award-winning role ang ipinagkatiwala sa kanya.

“I know that Aga Muhlach won two best actor awards as Jason. Nakakakaba but I am challenged.

“Someday ay gusto ko ring manalo ng best actor award,” pagtapos pa ni Kiko Estrada.

Freddie Aguilar ‘di puwede sa NCCA

Nag-react ang current NCCA chairman na si Felipe de Leon dahil sa diumanong pag-appoint daw kay music legend Freddie Aguilar bilang bagong head ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ni President Rodrigo Duterte.

Ayon pa kay De Leon, hindi raw maaaring ma-assume ni Aguilar ang naturang posisyon dahil sa pag-appoint ng President.

Nilinaw ni De Leon na nakalagay sa Republic Act 7356 that the position of chairman is not appointive.

“The chairman is elected by the Board of Commissioners. There are four levels of elections – general assembly, committee membership, committee chairmanship, and head of a sub-commission – before you can be a member of the Board, who will then elect its Chair.

“The committee members are fiercely independent artists and cultural workers who will always like to choose their own leaders,” diin pa ni De Leon.

freddie-aguilar
Freddie Aguilar

Sa isang interview naman kay Aguilar, sinabi nito na nag-request siya kay President Duterte na mag-create ito ng Department of Culture and Arts para makapagsimula ng isang “cultural revolution” at ma-promote ang nationalism sa pamamagitan ng performing arts.

Ang executive assistant daw ng President na si Christopher “Bong” Go ang nag-offer sa kanya na maging head ng NCCA habang binubuo pa ang department na binanggit niya.

“Tinawagan ako ni Bong Go at sabi niya, ‘Ka Freddie, puwede po bang pamunuan niyo muna ang NCCA,’ ang sabi ko, ‘Sige po, susubukan kong pamunuan muna.’

“Sa madaling salita, kung pakikinggan ko ang sinabi ni Bong Go ay para na rin niyang sinabi na ibibigay ng mahal na Presidente ang Department of Culture and Arts,” sey ni Ka Freddie.

Ayon pa kay De Leon, wala pa raw formal announcement si President Duterte tungkol sa diumanong appointment kay Aguilar sa NCCA.

“Doing that would be patently illegal. I suppose the President will respect the law,” diin pa niya.

Kabilang na rin ang award-winning actress na si Vivian Velez na nagkuwestiyon sa diumanong pag-appoint kay Aguilar bilang NCCA chairman.

“NCCA chairmanship is a delicate position that entails higher educational background about the arts and particularly high management skilled individual.

“Ano ang meron kay Freddie Aguilar para ma-qualify siya sa posisyon na ‘yan?

“While admittedly President Duterte has a soft spot for Freddie, I am afraid the move would be ill advised considering that Freddie lacks the experiential background and management skills for such a position…

“Just an honest opinion!,” post pa ni Velez sa kanyang Facebook page.

***

Nabigyan ang Oscar winner na si Marion Cotillard ng pinakamataas na honour ng France, ang Legion d’Honneur.

Ginawad ang naturang parangal sa 40-year old French actress noong mag-celebrate ang France ng kanilang National Day or Bastille Day.

Kabilang si Cotillard sa 650 names mula sa larangan ng politics, culture and sports na binigyan ng ganitong parangal.

Si Cotillard ang kauna-una­hang French actress na manalo ng Oscar Award for best actress in 2007 para sa kanyang pagganap sa buhay ng singer na si Edith Piaf sa pelikulang La Vie En Rose.

Nakakuha rin siya ulit ng second nomination for best actress noong 2015 for Two Days, One Night.

Ginagawad lang ang Legion d’Honneur three times annually tuwing simula ng taon, Easter Day at Bastille Day.