Una sa Balita

Paolo Ballesteros, feeling manika na

By
0 9

Nagsimula na si Paolo Balleste­ros nang pag-shoot niya ng pelikulang Barbi, The Wonder Beki kunsaan binuhay niya ulit ang na­ging famous big screen character ni Joey­ de Leon­ noong ‘80s na si Barbi, Maid In The Philip­pines.

Pagkatapos nga ng kanyang award-winning performance sa Die Beautiful, ibang Paolo naman daw ang mapapanood nila sa remake ng Barbi.

“Siyempre kakatapos lang ng Die Beautiful, ‘di ba? Eh, ‘yung make-up ko doon parang normal lang na make-up. Kumbaga ‘yung normal na face ko, tapos nilgyan ko ng make-up, ayun na.

“Ang inspiration ko sa make-up ni Barbi is parang manika. Natuwa naman si Tito Joey, actually kapag nagsho-shoot kami, parang nag-e-enjoy din siya,” ngiti pa ni Paolo.

Makakasama pa sa pelikula ay sina Kim Domingo at ang BiGuel­ loveteam nilang Miguel Tanfelix at ­Bianca Umali.

Isa sa box-office hit movies ni Joey de Leon ang Barbi, Maid In The Philippines na pinalabas noong 1989.

Nagkaroon pa ito ng dalawang sequels, ang Barbi For Pre­sident noong 1991 at Run Barbi Run noong 1995.