Una sa Balita

PAOLO B., TAPOS NA SA DEPRESYON!

By
0 9

May bagong pag-asa na pinanghaha­wakan si Paolo Bediones ngayon, matapos kumalat ang mga private video niya na malaki ang naging epekto sa career niya bilang television host.

Sa mga hindi nakakaalam sa tunay na kuwento, 2009 nang lumitaw ang private videos ni Paolo pero nakontrol ang pagputok nito. Mula 2009 hanggang 2014, hindi nawala ang kaba sa dibdib ni Paolo na anumang oras, kakalat ang private vi­deos niya at nangyari ang kanyang kinatatakutan noong July 27, 2014.

“Imaginin mo, living your life four and a half years, tutulog ka sa gabi, magdarasal ka, sana hindi lumabas.

“Gigising ka sa umaga, gigising ka, magdara­sal ka, sana hindi today and then July 27, 2014, that was a Sunday. That was the day,” ang pagba­balik-alaala ni Paolo tungkol sa araw na hindi niya makakalimutan.

Para hindi masyadong maging mabigat­ ang usapan, sinabi namin kay Paolo na ‘positive’ ang mga feedback tungkol sa private videos dahil marami ang nagalingan sa kanyang performance at dumami ang mga tagahanga niya tulad ng nangyari kay Hayden Kho, Jr. noong 2009.

“Yeah, saan ‘to? Huwag na nating balikan. Tama siguro ang tao, sinasabing either laos na ako o wala na akong karapatan to be on TV, this and that and I gave up the fight,” ang reaksyon ni Paolo tungkol sa mga feedback na narinig namin.

Nevertheless, inamin ni Paolo na nakatanggap siya ng mga indecent proposal dahil sa controversy na kinasangkutan niya na naging dahilan din ng pagkamatay ng kanyang career sa telebisyon.

“After the controversy, siyempre, hindi naman mawawala ‘yon. Well, it led to the demise of my career if you would really think about it.

“Ano namang klaseng newscaster ‘yan kung ang iniisip ng tao, iba. But I also understand the point of view of the network kasi you represent the network and if something like that is out there, mahirap,” ang nagpakatotoo na opinion ni Paolo.

Three years later, buo na uli ang pagkatao ni Paolo dahil naghanap siya ng mga distraction para malampasan ang depression na pinagdaanan.

Bumalik siya sa school at ngayon, producer at host siya ng Good Vibes with Paolo, ang programa niya na mapapanood sa Cignal TV. Malaki ang pananalig ni Paolo sa OPM kaya tinutulungan niya ang mga bagong banda sa pamamagitan ng Good Vibes with Paolo.

“Walang kumukuha sa akin and then I realized, I need to find something that will distract me at first so nag-enroll ako.

“I took up my Masters sa AIM, Masters in Entrepreneurship. Sa simula ang distraction, ngayon, I’m really into it, I’m dedicated to graduate with my masters degree this coming March. So it has really given me direction.

“The challenge now is dahil hindi ako millennial is to be relevant kaya ginawa ko itong Good Vibes with Paolo. Nakita ko na always relevant ang OPM.

“Always may mga banda, gustong maging sikat, gustong makilala, gustong  i-share ‘yung passion for music kaya ‘yan ang tinarget ko and it’s close to my heart.”