Una sa Balita

Paolo B., ‘di nakasama sa JoWa show sa US?

0 5

BOSLENG, SA SANFO!

Ratsada ang mga celebrities sa paglayas para samantalahin ang Semana Santa ngayong linggong ito. Nag-post na agad si Pauleen Luna ng larawan nila ng mister niyang si Vic Sotto sa Instagram na nakarating na silang dalawa sa San Francisco.

Naka-taped na kasi ang mga episodes ng Eat Bulaga ngayon bilang Lenten presentation nila.

Taun-taon ginagawa ang Lenten special ng EB bilang obserbasyon nila sa Semanta Santa. Isa rin itong paraan para magkaroon ng mahabang bakasyon ang buong Dabarkads.

Hindi malayong magkita sina Bossing Vic, Pauleen at ang mga Lolas ng Kalyeserye dahil may show roon ang mga ito kasama sina Barbie Forteza at Andre  Paras.

Naka-post sa IG wall ni Barbie ang poster ng kanilang show sa iba’t ibang lugar sa US. Una silang magtatanghal sa Redwood City SanFo, Los Angeles at San Diego.

Dapat kasama si Paolo Ballesteros nina Wally Bayola at Jose Manalo bilang part siya ng Lolas.

Hindi sakop ng pagkakasuspende kay Paolo sa EB ang show nito sa labas ng bansa, lalo at naka-schedule na ito bago pa siya pinatawan ng parusa.

Pero wala pa sa post ni Paolo sa IG niya na nasa airport na siya o bumibiyahe na siya kasama sina Wally at Jose.

Sa March 22 ang show nila sa SanFo kaya dapat nakaalis na ang grupo kahapon, Linggo.

Anyways, malalaman naman kung talagang kasama si Paolo sa show dahil siguradong ipo-post na ni Barbie sa social media ang mga kaganapan sa gagawin niyang show lalo’t sa US ito gagawin.

Samantala, ang Israel naman ang napiling puntahan ni Jodi Sta. Maria ngayong Lenten week.

Nag-upload si Jodi sa IG niya ng photo niya kasama ang ilang kaibigan at si Erika Padilla.

Kaya alam ng kanyang followers ang Holy Land tour ni Jodi dahil sinabi nito mismo sa kanyang IG ang pagpunta niya doon.

Hindi kami sigurado kung kasama ang boyfriend ni Jodi na si Jolo Revilla sa trip na ito dahil wala ka­ming nakitang anino o image ng Cavite vice governor sa photo.

KC, bumanat ng  ‘pangaral’ sa bashers…

Holy Monday ngayon, pero heto at bumanat na agad ng ‘pangaral’ si KC Concepcion sa kanyang mga bashers sa Instagram. Ginamit ni KC ang isang sea view at saka siya nagpakawala ng mensahe patungkol sa kanyang mga bashers.

Malinaw sa mensahe ni KC na hindi niya gusto ang ginagawang pangangaral ng ilan sa mga celebrities na gaya niya. Direktang pinukol ni KC ang kanyang mga bashers na sana ay hindi mabuhay ang mga ito na nanghihiya at nang-iisulto ng iba.

“People should learn to respect IG accounts not use them as a means to give unsolicited advice to celebrities they supposedly “love” and hardly know. Here’s to protecting what makes you happy and keeping the positive vibes all the time.

“To all my bashers, I hope you don’t regret choo­sing to live your lives ridiculing and insulting others. I don’t see how that will put a smile on your face when on your death bed. I wish you love and real happiness and something good to keep you BUSY!”

Pinipintasan nga si KC at ang sinasabing boyfriend niya na laging kumukuha sa kanya ng mga shots. Inili-link si KC sa photographer na si Mark Nicdao, pero hindi binanggit ang pangalan nito sa mga sagutan at bangayan ng mga solid fans ng aktres.

Ipinagtanggol ng mga totoong nagmamahal kay KC ang kanilang idolo.