Una sa Balita

Paolo at KC, kambal sa ganda!

By
0 3

Hindi man napapanood si Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga ngayon, sa pelikula naman siya nakasub­sob. Gagawin nga niya ang pelikulang Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend, kasama sina Dennis Trillo at Anne Curtis.

At ngayon nga, tinatapos na niya ang pelikulang Die Beautiful, na nasimula na niya noon, at natigil lang dahil sa sobrang busy ni Paolo, pati na ng director nitong si Jun Lana.

Pero, heto nga at ratsada na ulit sina Paolo at Direk Jun, na tatapusin na nga nila ang movie na Die Beautiful, na ang kuwento nga ay tungkol sa isang badikla na bet mamatay na ang itsura niya ay parang si Lady Gaga.

Pero sa post ni Direk Jun sa Instagram account niya, hindi naman si Lady Gaga ang nakita niya sa look ni Paolo sa monitor, habang kinukunan niya ito, kundi si KC Concepcion daw.

Well, kayo na ang mag-judge kung hawig nga ba sina KC at Paolo, ha! Mukha nga bang kambal ang dalawa?

Ang Regal Films nga pala ang magri-release ng movie na ito nina Direk Jun Lana, katuwang si Direk Perci Intalan. At ngayon pa lang, excited na akong mapanood ito, dahil bidang-bida na nga si Paolo, ha!