Una sa Balita

Paolo as Cartolinang Gray benta sa mga fan

By
0 3,101

Ang Binibining Pi­lipinas 2018 na si Catriona Gray ang latest makeup transformation ni Paolo Ballesteros bilang si Cartolinang Gray.

Sa picture ng transformation niya sa Instagram, higit na napansin ng kanyang mga follower ang pag­lagay niya ng makeup sa kanyang ilong, huh! Kailangan kasi niyang gawin ‘yon para magmuk­hang pang-babae ang ilong niya. Iba raw kasi ang ilong ng babae sa ilong ng lalake.

Anyway, umani ito ng mahigit 52,000 likes at umabot sa halos 700 ang comments.

Ngayong Holy Week, bakasyon muna si Paolo bago mag-resume ng shooting niya ng Regal movie na My 2 Mommies kasama sina Solenn Heussaf­f at Maricel Soriano.

Mother Lily nagpa-Holy Week Recollection

Nag-sponsor si Mother Lily Mon­teverde ng isang Holy Week Recollection last Saturday sa Valencia Events Place para sa members ng movie industry at entertainment press.

Katuwang ng Regal Entertainment producer ang Oasis of Love Catholic Renewal Community na kinabibila­ngan nina Rez Corteza, Christopher de Leon at Tirso Cruz III. Nahili­ngan din si Mother na tumugtog ng piano at ang novena song na Sacred Heart of Jesus ang tinugtog niya.

Bilang panata naman­ ngayong Mahal na Araw, magbi-Visita Iglesia si Mother sa siyam na simbahan. Siyempre, papa­syal din siya sa Taal Imperial Hotel at sa kanyang bakahan sa Tagaytay.

TVJ nanguna sa pakikiramay kay Miss Tapia

Pinangunahan nina Tito, Vic and Joey ang pakikiramay sa mga naulila ni Miss Tapia, aka Mely Tagasa, sa Eat Bulaga noong Sabado.

Malaki ang naging bahagi ng TVJ sa TV career ni Tita Mely dahil nagmarka ang character niya bilang masungit na teacher sa dating sitcom na Iskul Bukol.

Bukod sa tatlo, nagpaabot din ng pakikiramay si Mayor Herbert Bautista. Ang wake ni Tita Mely ay sa Loyola Chapels sa Commonwealth Avenue.