Una sa Balita

Paola Alvarez: Hindi ko ninakaw ang mace

0 2,643

PINABULAANAN ni Finance Secretary Paola Alvarez na tinangay niya ang mace ng Kamara noong araw na pinatalsik ang kanyang amang si Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez ­bilang Speaker.

“Hindi ko po ninakaw ‘yung mace, ok?” reaksiyon nito matapos batikusin ng netizen kasunod nang pag-post nito sa Instagram ng litrato kung saan hawak nito ang mace – ang simbolo ng kapangyarihan ng Kamara.

Paliwanag ni Alvarez, ang litrato ay kuha sa tanggapan ng House Speaker matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, Hulyo 23.

Abante Hiring – IT dep

“Noong gabi na po ‘yon. Tapos na ‘yung lahat. Paalis na ‘yung President,” saad pa nito.

Sabi pa nito, noong oras na may sesyon ang Kamara, nanatili aniya siyang nakaupo sa session hall ng Mababang Kapulungan ng ­Kongreso.

“Kahit tingnan mo ‘yung CCTV, nakaupo lang ako while nangyayari ‘yung lahat ng gulo-gulo nila doon,” ayon pa dito.