Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PAO: Tinedyer todas sa Dengvaxia

0 130

Kinabit sa Dengvaxia ang pagpanaw ng isang menor de edad nitong Miyerkoles, ayon sa Public Attorney’s Office (PAO).

Ayon kay PAO forensics team chief Dr. Erwin Erfe, pumanaw si JC Albert Legaspi habang nagpapagamot sa Veterans Memorial Medical Center.

Batay sa awtopsiya, nakita na nagkaroon ng paglaki ng puso, bato, atay, pancrea at spleen ang tinedyer.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakita rin ang pagdudugo sa bandang bato, baga, utak at puso ng binata.

Saad ng PAO forensics chief, ang mga nakitang sintomas kay Legaspi ay pareho sa ibang nasawi matapos mabakunahan ng Dengvaxia.

Si Legaspi ay nagpaturok ng Dengvaxia tatlong beses noong 2017 matapos itong tamaan ng dengue. (RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.