Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Panunumpa’

0 175

Uso pa ba ang palabra de honor sa Pilipinas?

Kamakailan ay napatunayan na ‘di na ito isinasabuhay ng ilang mga Pilipino.

Halimbawa nito ang gentleman’s agreement sa pagitan ng dalawang public servants na mukhang ‘di na matutuloy.

Nauwi na ito sa away-pulitika at girian sa pwesto.

Ang ibig sabihin ng salitang Espanyol na palabra de honor ay word of honor o pagkakaroon ng isang salita.Ito ay pangako ng isang tao sa kanyang kapwa na gagawin (o ‘di nya gagawin) ang isang bagay sa hinaharap.

Halimbawa ng mga salitang pangako ay “babayaran kita sa susunod na linggo” (sa mga umuutang), “iiwan ko na ang aking bisyo” (sa mga madalas na naninigarilyo o uminom ng alak), “’sikreto natin ‘to, di ko sasabihin sa iba” (sa mga sinabihan ng sama ng loob ng kaibigan).

Peksman, mamatay man, talaga, promise!

Ang gawing totoo ang pangako ay malimit na mahirap at mahal lalo pa kung nakataya ay posisyon at kapangyarihan.

Ngunit kung wala ng palabra de honor ay nawawala narin ang halaga at kredibilidad ng isang tao.

Ano ang mas mahalaga?

Tanong ng marami, paano mo pagkakatiwalaan ang tao na sumira sa kanyang sariling pangako lalo pa’t isang tanyag at kilalang lider s’ya ng bansa.

Maraming relasyon na ang nasira dahil sa ‘di pagsunod sa pangako.

‘Di na rin mabilang ang mga taong nawalan ng integridad at malinis na pangalan dahil sa ‘di pagtupad sa sinumpaan, nakasulat at notaryado o binigkas lamang.

“It is better to say nothing than to make a promise and not keep it” (Ecclesiastes 5:5).

At dahil sikat na mga personalidad ang nasasangkot sa isyu ng palabra de honor, bakit daw ipinagkanulo ni Pedro ang Panginoon gayong pareho ang kanilang pangalan?

Related Posts

Masakit ngunit totoo.

Daig pa daw ang onsehan o panggogoyo ang nangyari.

Tuso daw ang tawag sa taong ito at ang pagkilos nya ay ‘di gawaing Kristiyano.

“Let what you say be simply ‘Yes’ or ‘No’; anything more than this comes from evil” (Matthew 5:37).

May “palabra de honor” ang isang tao kung s’ya ay may isang salita, marunong tumupad sa usapan at may paninindigan sa lahat ng kanyang sinabi na tutuparin niya.

Naririnig natin mula sa mga residente: Ang aminglungsod ay malaki ang iniunlad buhat ng maupo ang aming mayor, sapagkat siya ay may palabra de honor.

‘Di lang naman ukol sa mga pulitiko ang salitang palabra de honor.

Bilang ama, kung tayo ay nangako sa ating anak na bibigyan ng isang regalo kung mataas ang grado at ito ay tinupad natin, isang mabuting halimbawa ng kagandahang-asal ito.

Kung ano man ang halimbawang ipinakita natin sa ating anak sa paggalang sa ating tinurang salita ay magiging sandigan n’ya sa kanyang pakikipagkapwa-tao sa hinaharap.

Kabuntot ng palabra de honor ang “delicadeza” at “hiya”.

Ang pakahulugan sa delicadeza ay ang pag-alam sa katotohanan na ang ating kilos at salita ay nakaaapekto sa ibang tao. Kaya marapat lamang na maging maingat at matalino, at iwasan ang mga pagkakataon na makokompromiso. Minsan ay ‘di sapat na maging matapat. Kailangan na mamuhay ng walang bahid.

Ang hiya naman ang ay ang katuturan o kamalayan ng pagkamapagdamdam. Sa tuwina ay isinasaalang-alang natin ang karangalan ng pamilya o pansarili. Kaya masakit masabihan ng walang-hiya o mapahiya sa ating pakikitungo sa ating kapwa lalo pa’t lubos na pinangangalagaan ng isang tao kanyang pangalan.

May kampanyang isinasagawa na muling buhayin ang pagtuturo ng classic Filipino values na tila nakalilimutan na. Nawa’y magsimula ito sa pambansang pamunuan. Masasabi natin na bukod sa paaralan, ang mga halimbawa ng asal at galaw ng mga Pilipino na ipinakikita sa media ay malaki ang ginagampanan para sa pagtuturo ng kagandahang-asal sa mga kabataan ngayon at sa darating pang panahon.

May mga sinumpaang tungkulin tayo sa ating pamilya, komunidad at bansa. Katulad ng mga humanitarian volunteers na nangako na maglilingkod sila ng walang inaasahang kapalit, sumuong man sa landas ng kapahamakan. Ang salita nila na magsisilbi at mangangalaga sa sangkatauhan ay tinutumbasan ng walang halong pag-iimbot at buong katapatan na pagkilos, ano mang pagsubok ang danasin. Marami sa kanila ang tahimik na tumutupad sa pagiging mabuting mamamayan sa ngalan ng kanilang palabra de honor.

Kaugnay nito, nais kong batiin si Dr. Maria Mayumi “Mai” Gillana, isang doktor mula sa Pasig Doctors Medical Center, na kamakailan ay tumanggap ng pagkilala na“Bob and Leila Macauley Humanitarian Spirit Award”.S’ya ay nakasama ko bilang isang development worker. S’ya ay aking kumare at ninang din ng aking pangalawang anak. Ang award ay ibinigay ng Americares, isang US-based health and relief organization, para sa “outstanding individuals who exemplify ordinary courage and commitment to humanitarian endeavors and making a difference in the world”. Anim na taon nang emergency responder si Doctor Gillana na isang volunteer sa Americares medical team na gumagamot sa mga maysakit na nakaligtas sa mga kalamidad. Mabuhay ka, Doc Mai!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.