Una sa Balita

Panuntunan sa pag-adopt

By
0 564

Dear Atty. Claire,

Ask ko lang po attorney anong procedure ng pag-adopt. May apo ako na 9 years old na lalaki. Hiwalay ang mga magulang niya. Anak ko po ang tatay ng bata at hindi naman kasal ang magulang ng apo ko.

Ngayon ang tanong ko po ay kung may chance bang ma-adopt ang apo ko at ano po ang dapat kong gawin?

Salamat po ng marami,

Marvyn

Dear Lolo Marvyn,

Malaki naman po ang chance na mapayagan at mabigyan ng pabor ang balak nyong ampuning legal ang inyong apo.. ngunit dapat na pahintulot at pagsang-ayon din po balak ninyong pag ampon sa kanilang anak.

Ito po ang mga requirements bago kayo bigyang pabor ng korte sa inyong petition for adoption:

a. Ang mag-aampon ay dapat nasa hustong gulang (legal age);

b. Ang mag-aampon ay dapat na 16 years older sa kanyang aampunin maliban lamang kung sariling anak niya ito (referring to one’s illegitimate child);

c. Ang mag-aampon ay may kapasidad na gampanan ang tungkilin ng pagiging magulang (aalamin ng korte kung ang mag-aampon ay may sapat pang lakas at kakayanan upang gawin ang mga obligasyon ng isang magulang …kaya pati ang edad at financial capacity ay aaralin ng korte kung sapat ba upang ma-sustain ang pangangailangan ng bata;

d. May good moral character at hindi na convict ng korte sa kasong may kinalaman sa usaping moral (moral turpitude;

e. May kakayahang magbigay ng support, turuan at pag-aralin at magbigay ng pag-aaruga sa kanyang mga lehitimo at ilehitimong anak at sa batang kanyang aampunin.

Kailangan din na magbigay ng pahintulot o pagsang ayon ang mga sumusunod:

(a) The adoptee, if ten (10) years of age or over;

(b) The biological parent(s) of the child, if known, or the legal guardian, or the proper government instrumentality which has legal custody of the child;

(c) The legitimate and adopted sons/daughters, ten (10) years of age or over, of the adopter(s) and adoptee, if any;

(d) The illegitimate sons/daughters, ten (10) years of age or over, of the adopter, if living with said adopter and the latters souse, if any;

(e) The spouse, if any, of the person adopting or to be adopted.

Kung may anak ka­yong iba, lehitimo o ilehitimo man, ay dapat ba sumang-ayon din sila kung ang mga edad nila ay 10 years old pataas.

Sana ay makatulong ang ilan sa mga nabahagi ko. Kung may ­katanungan pa ay tumawag lamang sa 4107624 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com.