Una sa Balita

Panuntunan para sa mga OFW-teacher inilabas ng DOLE

0 2,479

Upang mas mapabilis ng pamahalaan ang pagpapabalik ng mga OFW na lisensiyadong public school teacher, naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga panuntunan para sa pagpapatupad ng programang ‘Sa ‘Pinas, Ikaw ang Ma’am at Sir’ (SPIMS).

Itinatakda ng Department Order No. 190, Series of 2018, ang proseso, maging ang mga panuntunan para sa pagpili ng mga benepisyaryo para sa prog­rama na isang inisya­tibo upang mahikayat ang mga teacher na nakadestino sa ibang bansa na ituloy ang kanilang propes­yon dito sa Pilipinas.

Kasunod ng paglabas ng panuntunan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nilalayon ng kautusan na “matiyak ang pagpapatuloy ng SPIMS Program at maibsan ang kakulangan sa mga pampublikong guro sa bansa.”

Abante Hiring – IT dep

Nagsimula ang prog­rama sa isang Memorandum of Cooperation kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Professiona­l Regulation Commission (PRC), at ang Philippine Normal University (PNU).

Mula nito, nakapagbigay ang programa ng ka­buuang 1,421 plantilla position sa mga umuwing OFW-Licensure Examination for Teachers (OFW-LET) passer, ayon sa ulat mula sa NRCO.

Upang maging benepisyaryo ng SPIMS prog­ram, ang aplikante ay dapat na isang Filipino citizen o mayroong Philippine passport; OFW-LET passer na mayroong karanasan sa pagtuturo nang hindi bababa sa isang taon sa loob ng nakalipas na limang taon; at dapat na hindi nanirahan sa bansa ng tatlong taon.

Ang mga OFW-LET passer na nakapasa ng pagsusulit sa loob ng nakalipas na limang taon, mayroon man silang karanasan sa pagtuturo o wala, ay hindi na kinakailangan pang dumaan sa isang online refresher course.

Samantala, ang mga OFW-LET passer na wala pang karanasan sa pagtuturo o mayroon namang experience ngunit limang taon na ang nakararaan ay dapat dumaan sa online course na ibinibigay ng PNU o dumalo sa mga regular refresher course.