Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Panukalang Quezon-Bicol Expressway pasado sa Kamara

0 88

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para sa konstruksyon ng Quezon-Bicol Expressway (QUBEX).

Walang tumutol sa pag-apruba sa House Bill 9988 na nakatanggap ng 238 boto.

Binigyan-diin ni Albay Rep. Joey Salceda, isa sa may-akda ng panukala ang kahalagahan na magawa ang expressway na magpapaikli sa biyahe sa Maynila hanggang Bicol mula 10-15 oras sa limang oras.

Ang kawalan umano ng kalsadang madaraanan nang mabilis ang isa sa dahilan kung bakit mataas ang inflation rate at presyo ng mga produkto sa Bicol.

Ang matitipid na oras at diesel sa mas mabilis na biyahe ay magpapababa umano sa presyo ng bilihin. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.