Una sa Balita

Panukalang 2019 national budget nasa Kongreso na

By
0 1,776

NAISUMITE na ng Malacañang sa Kongreso ang kauna-una­hang ‘cash-based’ proposed 2019 national budget na nagkakaha­laga ng P3.757 trillion.

Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na pasado alas-sais kagabi nang isumite ang proposed budget pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinanggap aniya ng Office of the House Speaker ang proposed national budget sa kabila ng tensiyon sa agawan ng liderato sa Kamara.

Abante Hiring – IT dep

Umaasa ang Malacañang na maaksiyunan kaagad ang panukalang pambansang budget bago magtapos ang taon para magtuloy-tuloy ang paghahatid ng serbisyo sa sambayanan at mailarga ang mga mahahalagang nakalinyang proyekto ng pamahalaan.

Sinabi ni Diokno na mas mataas ng P439.4 billion o 13.2% ang 2019 proposed national budget kumpara sa cash-based equivalent ng kasalukuyang pambansang budget na P3.318 trillion.

Matatandaang inihayag ng Palasyo na isasabay sa SONA ng Pangulo ang pagsusumite ng panukalang budget para mabilis na maipasa sa Kongreso at para magtuloy-tuloy ang serbisyo ng gobyerno sa mga Filipino.