Una sa Balita

Panukala sa extra power ni Duterte isinampa sa Senado

0 577

Inihain na sa Senado ang isang panukala para makapagdeklara ng national emergency at bigyan dagdag na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang problema sa coronavirus disease 2019(COVID-19).

Sa Senate Bill No. 1413 o “We Heal as One Act” na inihain nina Senate President Vicente Sotto III at Senator Pia Cayetano, layunin nito na payagan si Duterte na maglaaan ng “cash, funds,investments, including unutilized or unreleased subsidies and transfers, held by any government-owned and controlled corporation or any national government agency.”

Sa nasabing panukala, papayagan dito ang pangulo na magmando ng operation sa anumang privately-owned hospital at medical health facility, kasama ang iba pang mga establisimiyento kung saan mananatili ang mga health worker at magsisilbi ding quarantine area, quarantine center, medical relief, distribution location at iba pang pansamantalang medical facility.

Maarii ring magmando ang pangulo sa operasyon ng public transportation para sa mobility ng mga medical worker at iba pang awtorisadong indibidwal.

“The management and operation of the foregoing enterprises shall be retained by the owners of the enterprise, who shall render a full accounting to the President or his duly authorized representative,” sabi pa sa panukala.

“The President may take over the operations of the said enterprises–subject to limits and safeguards of the 1987 Constitution–if the said establishments ‘unjustifiably refuse or signified that they are no longer capable of operating their enterprises’ for COVID-19 response,” ayon pa sa panukala.

Nauna nang sinabi ni Sotto, na hindi kasama sa panukala na pagkaloob ng emergency powers sa pangulo. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More