Una sa Balita

Panty ni Nadine pinagkaguluhan sa Youtube

0 931

Hindi matatawaran ang naging reaksyon ng “Your Moment” star na si Nadine Lustre nang maging biktima sa kuwelang prank ng kanyang co-Viva artist na si Donnalyn Bartolome.

Ang eksena kasi ay mayroon silang dinaluhang espesyal na kaganapan sa Jakarta at share sila sa isang room. Habang namamahinga sa kuwarto, biglang tinanong ni Donnalyn si Nadine kung puwede bang humiram ng panty dahil naubusan siya. Nagkaroon ng sandaling katahimikan, hindi agad naka-imik si Nadine na parang hindi makapaniwala sa tanong ni Donnalyn.

“Hindi na hiram ‘yun! Ibibigay ko na sa ‘yo ‘yun!” sagot naman ni Nadine. Nagulat naman si Donnalyn na willing namang magpahiram ng panty ang aktres.

Tinanong pa niya kung ilan na ang napahiram nito ng panty. Sinabi ni Nadine na marami-rami na siyang napahiram ng kanyang mga gamit dahil always ready siya at laging may sobra sa kanyang mga dinadalang gamit.

Sa ngayon, umabot na ng higit 2M ang views ng naturang episode ng vlog ni Donnalyn at marami na ring reaksyon na nakuha mula sa mga fan. Kaloka, gusto pa nga humiram ng mga fan ng panty kay Nadine, masaya na raw sila kapag napahiram sila ng panty ng aktres! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy