Una sa Balita

Panty ni Carmina ipinanlaban sa multo

0 617

Red panty ang laging suot ni Carmina Villarroel tuwing shooting niya ng horror movie na “Sunod”. Isa ito sa official entries ngayong Metro Manila Film Festival.

“Matatakutin kasi talaga ako!” saad ni Carmina sa media launch ng movie.

Naniniwala kasi si Mina na sa paggawa ng horror film kailangan ng proteksyon nang sa gayon ay hindi niya maramdaman ang mga masasamang ispiritu, o multo sa shooting.

Bukod sa suot na red panty, lagi rin siyang may luya na nakatago at pag-uwi niya eh, nagsasaboy siya ng asin sa katawan.

“Naku, nu’ng nag-shooting kami sa Quezon Institute, naloka ako nu’ng bumigay ‘yung isang parte ng kisame. Baka naingayan sa amin,” kuwento ni Mina.

Sa kaalaman ng lahat, ang pelikulang “Sunod” ang ipinalit sa horror entry ni Kris Aquino na (K)Ampon” nang ma-disqualify ito.

Natuwa ba siya sa nangyari?

“Hindi naman ako natuwa. Hindi naman ako nag-rejoice dahil nawala sila. Of course not! Ninang ko siya.

“Magka-text kami ni Ninang Kris that time. She texted me. ‘Sana inaanak kayo makakuha ng slot namin.’ After a day or two, kami na ang in-announce. Nagdilang-anghel siya.

“Hindi naman ako nagbunyi o nagpa-party!” rason ni Carmina.

Yeng ‘di nagpakabog sa aktingan kay Joem

Swak na swak ang chemistry nina Rocco Nacino at Miles Ocampo sa TBA Studios na “Write About Love”. Take note, first time nilang magsama sa big screen at magkahiwalay sila ng network pero naitawid nila ang kanilang performances na bentang-benta sa nanood sa premiere ng movie.

Level-up na rin si Yeng Constantino dahil nakasabay siya sa galing ni Joem Bascon. Hindi naman mabibigo ang fans ni Yeng na marinig ang music niya sa movie.

Bongga ang version ni Yeng ng “Kapag Ako Ang Nagmahal” na binigyan niya ng bagong tunog.

Sa magandang feedbacks mula sa nakapanood, proud na proud ang producers na sina Ed Rocha, Nando Ortigas at Ting Nebrida.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More