Una sa Balita

‘Panti’ part 2 niluluto

0 346

Certified blockbuster ang “Panti Sisters” na official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 kaya naman hindi nakakapagtaka na ngayon pa lang ay pinaplano na ng mag-asawang Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan ang isa pang pelikula tungkol sa magkakapatid na bading, pero hindi pa nga lang sila sure kung sequel ba o gagawin nilang prequel ‘yon.

Pero may madadagdag daw na isang major cast.

Isa na “sister” din nina Paolo Ballestetos, Martin del Rosario at Christian Bables ang dagdag sa cast, pero ayaw pang i-reveal ng mag-asawa.

May mga nagsasabi nga pala na kung gagawa ng another “Panti Sisters” movie ay better daw na isali ‘yon sa summer edition ng Metro Manila Film Festival sa April of next year.

For sure ay magiging blockbuster ulit ang sequel o prequel ng “Panti Sisters”.

Bongga!

***

Sunshine, Macky 3 taon na ang relasyon

Ang bilis ng panahon.

Aba, third anniversary na pala kahapon nina Sunshine Cruz at Macky Mathay bilang mag-sweethearts.

Sabi ni Sunshine, “Happy 3rd my Macky! Thank you for being you! For accepting me for who I really am and for being a wonderful father figure to my girls. Know that you are appreciated.”

Sinabi rin ni Sunshine sa kanyang post na, “I am just really happy that I listened to Sis Hazel (@therealaramina). That I should not close my doors on you and give myself and you a chance to know each other.”

Bale one month munang magka-text at magkausap over the phone sina Sunshine at Macky bago sila nagkita nang samahan ng huli ang una nang magkasakit ang aktres.

***

Golden Cañedo ka-level na sina Misalucha, Ai Ai, Christian

Ang bongga ni Golden Cañedo dahil parang ka-level na kaagad niya sa GMA PinoyTV at StarMedia Entertainment concert sa Arcadia, California sina Lani Misalucha, Ai Ai delas Alas at Christian Bautista dahil ang title no’n ay “All 4 You”.

Eh, apat sila sa concert na ‘yon na gaganapin on October 19 sa Arcadia Performing Arts Center, kaya kasama si Golden sa title, ‘noh?!

In fairness sa tatlong judges ng “The Clash”, payag sila na i-level sa kanila si Golden, kaya nakaka-happy naman!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy