Una sa Balita

Pantay na oportunidad para makapaglingkod sa kapwa, bayan

0 351

Nitong nakalipas na linggo, ating pinamunuan ang pagdinig sa ilalim ng Senate Committee on Public ­Order and Dangerous Drugs kung saan tinalakay ang iba’t ibang paksa kaugnay ng personnel recruitment sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor).

Kabilang sa mga paksang ating natalakay ay ang panukalang pag-aalis ng height requirement para sa recruitment ng ating law enforcement agencies, ang pagpapataas ng recruitment quota para sa mga kababaihan sa PNP at ang status ng regular recruitment program sa PNP.

Marami naman talaga sa ating mga kababayan ang may malinis na ha­ngarin at taos sa puso ang kagustuhan na maglingkod sa kapwa at sa bayan.

Dangan nga lamang, marami rin sa kanila ang hindi natatanggap na makapasok sa ating law enforcement agencies bunsod ng kakulangan sa height sa kabila ng kanilang taglay na kasipagan, katapatan, husay at talino, mga katangiang likas sa ating mga Pilipino. Ito marahil ang isa sa mga dahilan kaya may kakulangan sa tauhan ang ating kapulisan maging ang iba pang ahensiya na may kinalaman sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa ating lipunan.

Sa ating isinagawang pagdinig, kasama ang mga opisyales at representative mula sa concerned agencies, ating natalakay ang mga epek­tibong solusyon upang maabot ang “ideal law enforcement personnel to population ratio.”
***
“Small but terrible” daw tayong mga Filipino. Kahit maliit kumpara sa ibang lahi, tayo ay maabilidad at madiskarte. Masasabi man na kinulang tayo sa height, sobra-sobra naman ang ating kakayahan at determinasyon. Kaya naman naniniwala tayo na hindi masusukat sa height ng isang tao ang pagmamahal niya sa bayan at ang mabuting hangarin na makapaglingkod.

Sa kasalukuyan at base sa umiiral na batas, ang height requirement para makapag-apply at maging ganap na operatiba ng PNP, BFP, BJMP at BuCor ay 5 feet 4 inches para sa lalaki habang 5 feet 2 inches naman sa mga babae.

Sa ginanap na pagdinig, naipanukala ng “stakeholders” na gawing 5 feet 2 inches ang pasadong height requirement para sa mga lalaki at 5 feet naman para sa mga aplikanteng kababaihan. Kung ito ay mapagkakasunduan at maipapasa bilang batas, mas marami sa ating mga kababayan ang maaari nang makapaglingkod sa ilalim ng PNP, BFP, BuCor at BJMP, bagay na makatutugon din sa ating kakulangan sa personnel sa mga naturang ahensiya.
(Sundan sa pahina 9)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More