Una sa Balita

Pantay na batas

By
0 414

Matapos maibaba ang hatol na habambuhay na pagkabilanggo ng walang parole para sa tatlong pulis-Caloocan na nasa likod ng pagpatay kay Kian Delos Santos, marami ang natuwa at sinabing ‘buhay ang demokrasya’ at ‘pantay na pagpapatupad ng batas.’

Pero kung tutuusin, marami pang kaso ang dapat na madesisyunan ng Department of Justice at ng iba’t ibang korte sa bansa para masabing buhay ang justice system sa bansa.

Si Kian ay isa lamang sa may 4 na libong buhay na napatay sa gitna ng kampanya laban sa droga ng gobyernong Duterte. At sa kabila ng marahas na paraan para masawata ang iligal na droga, patuloy pa rin ang pagpapalusot nito at bentahan sa merkado.
Lord Ikaw na po ang bahala

BALITAWIT
NAAALALA KA
(Rey Valera)

Kay sarap kung wala ng droga..
Sa barangay ang lahat ay buhay!
At kahit na may pagtatangka pa…
Isang JOVI na lang simot lahat!

Kay sarap walang nagbebenta..
Si Rody ay kay saya-saya…
Ang lahi mo’y mabura sa lupa!!
Kaya si JOVI ay babalik na!!

REFRAIN:
Sa tuwina’y naaalala ka
Sa bangungot laging kasama ka
Ikaw aking pag-asa sa ‘king kampanya…
Wala nang mabubuhay pang iba

Kay sarap ng laging nandyan ka..
Mga tulak, lahat nawawala…
At kahit pa nasa ibang bayan,
Sementeryo ang pag­lalagyan..

Oh, naaalala ka
Sa libingan, sama-sama sila!
Ikaw na ang may sala, kapag lumaban ka…
Wala nang maiiwan pang iba…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy