Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pantaleon Alvarez sapol ng virus

0 34

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si dating Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Kinumpirma ito ng anak ng kongresista na si Finance Assistant Secretary Paola Alvarez kahapon.

Gayunman ay hindi umano seryoso ang kondisyon ng kalusugan ng kanyang ama at kasalukuyang nasa kanilang bahay sa Davao del Norte at nagpapagaling.

Itinanggi rin ng anak na naka-intubate ang mambabatas at hindi rin iniluwas sa Maynila ang kongresista taliwas sa mga kumalat na impormasyon.

Nagpapasalamat naman si Asec. Alvarez sa lahat ng nag-alala at nagdasal para sa kanyang ama. (Eralyn Prado)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.