Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pantalan ili-level-up ang ticketing

0 144

Plano ng Philippine Ports Authority (PPA) na gawing automated na ang pagbili ng ticket sa lahat ng mga pantalan at ipatutupad ito sa 2021 bilang paghahanda sa pagbubukas ng domestic sea trips.

Ayon kay Jay Santiago, General Manager ng PPA, layunin nito na maging ligtas ang lahat ng pasahero at staff sa kinahaharap sa pandemya ng coronavirus disease (Covid-19) at convenient pa sa mga bibili ng tiket pauwi ng kani-kanilang mga probinsya.

Wala nang teller sa mga booth at gagawin na silang customer service representatives dahil sa automated machines na mag-aaply ng ticket.

Maglaan lamang ng government-issued ID para sa identification ng pasahero at kapag kumpirmado na ang detalyeng inilagay ay maglalabas ng ticket ang makina na may QR code. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.