Una sa Balita

Pano ‘yan David? Gwen, Jeremy kinasal nu’ng 2016

0 906

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloy

Sinigurado na ni Gwen Zamora na puro kaligayahan ang mararanasan niya ngayong 2019, sa piling ng dyowa niyang si David Semerad.

“All smiles this 2019 with this one,” say niya.

Ilang taon din inabot ang relasyon nila ng anak ni Joey Marquez na si Jeremy Marquez. Sayang nga lang dahil ang engagement proposal na nangyari noon ay sa wala nauwi.

Pero teka, may mga tsismis na kasal na sa Australia nung 2016 sina Gwen at Jeremy. ‘Yun din kasi ang ibinulong niya sa akin noong ini-interview ko siya para sa pelikulang “Goyo.” Nag-divorce na kaya sila?

Anak ni Aiko mas type kasama si Mayor Jay, kesa kay Jomari

Sa halip na si Jomari Yllana ang kasama sa pagsalubong ng 2019, si Subic Mayor Jay Khonghun ang kasama ng anak ni Aiko Melendez, si Andre Yllana.

Naka-post sa Instagram ni Aiko ang lara­wan nilang tatlo nina Mayor Jay at Andre na magkasama.

Ang bunsong anak ni Aiko na si Marthena ay nasa poder ng ama nito na si Martin Jickain nung oras na ‘yon.

Ayon kay Aiko, sinalubong nilang tatlo ang 2019 na may malaking pag-asa at pag-asam ng mga magagandang bagay. First time raw niyang mag-spend ng New Year sa Subic at sa piling ng kasintahan.