Una sa Balita

Panlilio tiwalang lalaro ulit sa Pinas si Clarkson

Babalik ka rin!

By
0 648

KUMPIYANSA si Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio na muling papayagan ng NBA si Fil-Am Jordan Clarkson na maglaro para sa Pilipinas sa mga susunod na international competitions. 

Personal na nagtungo sa NBA office sa New York si Panlilio para ipaabot kay Deputy Commissioner at Chief Operating Officer Mark Tatum ang pasasalamat ng buong sambayanang Filipino sa pagpapahiram kay Clarkson para lumaro sa Pilipinas sa katatapos na Asian Games. 

“Our wish of having Jordan Clarkson play for the Philippine team has become a reality in the Asian Games. SBP’s desire is to have him play in future competitions during the NBA break,” anang statement ni Panlilio na ipinaabot ni SBP special assistant to the president Ryan Gregorio nitong Miyerkoles. 

Binigyan ng NBA si Clarkson, pati sina Chinese NBA players Zhou Qi at Ding Yanyuhang, ng one-time exception para makapaglaro sa 2018 Asian Games. 

May go-signal ang Cleveland Cavaliers guard na maglaro para sa Pilipinas sa FIBA tournaments, basta hindi tatama sa schedule ng NBA games. 

“With a stronger communication line with Mark Tatum and the NBA, I am confident it can happen again,” dagdag ni Panlilio.

 
Sa pagpayag ng NBA na maglaro si Clarkson, higit 100 milyong Filipino ang napasaya.

 Sa una niyang stint sa Natio­nal team, nag-average si 6-foot-5 Clarkson ng 26 points, 6.5 rebounds, 5.5 assists at 1.0 steals kontra 0.7 turnovers sa apat na laro sa Indonesia. 

Malaking papel ang ginampa­nan ni Clarkson para tumapos ng fifth ang Pilipinas sa Jakarta, nalagpasan ang 7th place finish sa 2014 Incheon Asiad.