Una sa Balita

Panlilio, SBP nabahag; Phl squad kumalas sa Asiad

NGANGA!

By
0 1,219

KUNG natulog na bago mag-alas-11 nang gabi nitong Huwebes, malamang na kinabukasan mo na nalaman na big­lang buwelta ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), hindi na raw sila magpapadala ng team sa Asian Games sa Indonesia sa Aug. 18-Sept. 2.

Malamang, kung tulog na bago mag-alas-12 ng hatinggabi ay hindi na nasundan ang balitaktakan sa social media na umusok dahil sa biglang desisyon ng SBP.

Isipin na lang na bago mag-alas-5 nang hapon ay seryoso pang humarap sa media si SBP president Al Panlilio pagkatapos ng PBA Board meeting, tinatanggap ang desisyon ng PBA at ng mga team na core ng Rain or Shine ang ipapadala sa ­Asiad.

Kasado na rin na si coach Yeng Guiao ang hahawak sa PHL team.

Walang anim na oras ang nakalipas, heto na ang SBP, binabawi ang unang pahayag. Wala na raw team na ipapadala sa Asian Games.

Ito ang buong statement ng SBP na galing sa tanggapan ni Panlilio:

“The SBP remains committed to the continuous development of Philippine basketball, and to attaining the best possible results for our teams in the global stage. We thank Rain or Shine, especially its owners Terry Que and Raymond Yu, as well as NLEX Coach Yeng Guiao and Rain or Shine Coach Caloy Garcia, for expressing their willingness to represent our nation in the upco­ming Asian Games.

However, to allow our National Team and our organization to regroup, prepare for the process of appealing the FIBA Disciplinary Panel’s recent Decision, and aim for sustainable success in future tournaments–including the upcoming FIBA World Cup Qualifiers and the 2023 FIBA Basketball World Cup–we have reached the conclusion that, with the forgoing considered and after consulting with the basketball community, the time and chance to participate in the 2018 Asian Games would not be optimal.

We apologize to the Asian Games organizers, to the fans of the Philippine team, and to the Asian basketball community for this withdrawal.

The SBP resolves to improve its systems, and to prepare programs that will better ensure res­pectable performances of our teams internationally, of which our countrymen can be truly proud.”