Una sa Balita

Panlalalaki ni Vice Ganda binuking nina Vhong, Jhong

By
0 1,361

Palaging napag-iinitan nina Vhong Navarro at Jhong Hilario si Vice Ganda dahil sa hilig niyang lumabas kasama ang Hashtags.

Nag-umpisa ang asaran nang pilitin ni Jhong na i-manage na lang ni Vice ang isang babaeng contestant ng ‘Tawag ng Tanghalan’ dahil puro raw lalaki at star player ang mina-manage nito.

Sundot pa ni Vhong, “Napansin ko nga sa’yo bakit puro Hashtags nilalabas mo? Hindi mo inaaya GirlTrends.”

Panghahamon naman ni Vice, “Kayo iniisyuhan niyo ko. Gusto niyo magsalita ako kung bakit hindi ko sinasama ‘yung GirlTrends kapag gimik. Eh lumalabas kayo eh! Ilang beses ko nang inaya, ‘Sama kayo, rarampa kami tonight. Magfo-Fort kami.’ Sagot naman nila, ‘Eh nag-invite po si Kuya Jhong e.’”

Sinabayan naman ito ng hiyawan ng audience na para bang bistado si Jhong sa kanyang kapilyuhan.

Pero sagot naman ni Jhong, “Alam mo ang pamilya dapat nagba-bonding.”

“Tapos kayo-kayo lang din? Laging nakaturo kapag kasama ko puro lalaki, pero kayo kasama niyo puro babae. Ay sus,” talak naman ng unkabogable star.

Sa pagtatapos ng kanilang biruan, confident na sinagot ni Jhong na wala siyang naka-date na GirlTrend. Pero nang si Vice na ang tanungin ni Jhong kung may naka-date na ba siyang Hashtags, ito lang ang kanyang nasambit: “Kilala niyo ako ha, hindi ako perpekto pero hindi ako sinungaling.”