Una sa Balita

Panlalait kay Mariel iniyakan ni Sandy

0 885

Nanay at tatay ang tawag kina Sandy Andolong at Christopher de Leon ng kanilang mga anak.

Kuwento ni Sandy sa phone-patch interview ko sa kanya du­ring Mariel de Leon’s guesting sa Abante News Online show ko na “Anything Goes”, noong manganganak na raw siya sa kanyang panganay, sinabi ni Christopher na Tatay ang gusto nito na itawag sa kanya ng anak, kaya sabi naman daw niya, kung ­Tatay si Christopher, Nanay ­naman siya.

Samantala, inamin din ni Sandy na noong panahon na maraming namba-bash sa kanyang anak na si Mariel, umiiyak daw talaga siya, pero ngayon naman ay thankful na siya na nauunawaan na ng marami ang kanyang anak.

Karamihan din sa mga ­namba-bash kay Mariel noon ay ­tumigil na rin.

Si Mariel naman, kahit ­naman daw dumating sa kanyang buhay ‘yung panahon na bina-bash nga siya ay positive pa rin daw ang outlook niya sa buhay at hindi nga talaga nagpaapekto sa mga ‘yon.

Sa ngayon, sobrang busy na rin naman si Mariel sa kanyang showbiz career.

Kaliwa’t kanan ang ginagawa niyang mga proyekto at binu­king pa nga ni Christopher na may gagawin siyang sexy movie na isu-shoot sa Malapascua.

Ang ganda sa Malapascua kaya gusto nga raw sumama nina Christopher at Sandy, pero hindi naman daw sila magpapaka-stage parents kay Mariel!

Hindi nga pala worried ang parents ni Mariel kahit na ­gumawa siya ng sexy movies ­dahil alam naman daw ng dalaga ang limitations nito.

Mismong si Mariel naman daw ang nag-set ng limitations sa kanyang sarili at hindi idinikta ‘yon sa kanya nina Christopher at Sandy, huh!