Una sa Balita

Panic sa 4.9 magnitude na aftershock

By
0 118

Muling nagdulot ng takot sa mga taga-Surigao City ang pagtama ng ­malakas na aftershock kahapon sa ­halos kaparehong epicenter ng tinamaan ng malakas na magnitude 6.7 quake noong Biyernes.

Sa earthquake bulletin ng ­Philippine Institute of Volcanology and ­Seismology (PHIVOLCS), tumama ang magnitude 4.9 na aftershock habang kasarapan ng tulog ng mga tao bandang alas-4:03 ng madaling-araw.

Ang epicenter ng lindol ay nasa 11 kilometro sa kanluran ng Surigao City, malapit sa tinamaan ng magnitude 6.7 na lindol noong Pebrero 10. Pareho rin ng lalim na 11 kilometro mula sa lupa kaya malakas ang impact ng aftershock.

As of 2:00 pm na earthquake bulletin ng PHIVOLCS, nasa 12 aftershocks ang naitala kahapon, mas marami ­kaysa sa naramdamang aftershocks noong magdamag ng Lunes.

Ayon sa PHIVOLCS, magpapatuloy pa rin ang nararanasang aftershocks sa Surigao City na posibleng tumagal pa ng ilang linggo o abutin ng ilang buwan depende sa pagkalma ng naapektuhang bahagi ng Surigao Segment na sakop ng Philippine Fault.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More