Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Panic mode na: Vice Ganda nagpasaklolo sa Viva

0 2,398

May nakarating sa aming tsika na mabilis na nagkaroon ng sarili niyang YouTube channel si Vice Ganda kung saan ang management house niyang Viva Entertainment ang balitang major player/producer.

Sa gitna nga ng mga kaguluhang isyu at usapin sa prangkisa ng ABS-CBN, masasabing nagpakasiguro na si Vice na hindi basta-basta mamumulubi o tuluyang mawawala sa sirkulasyon.

Hindi namin alam kung hanggang kailan o gaano kalaking reach ang inaabot ng It’s Showtime sa ngayon o kung meron ba itong kaugnayan sa personal channel ng Unkabogable Star, pero one thing is sure– hindi puwedeng mawala sa ere o sa kamalayan ng mga tao ang isang Vice Ganda.

Mga reporter ng Dos nag-a-apply sa CNN

Hindi rin namin masisisi ang ilang mga taga news department ng ABS-CBN kung sa mga panahong ito ay biglaan din silang lumipat ng network at magtrabaho.

Batay pa rin sa nakuha naming tsika, may mangilan-ngilan na mga news reporter ang Kapamilya network na ngayo’y naglipat bakod na sa PTV 4 at TV 5, habang ang iba umano’y nakikipag-usap o nagpapadrino na para makapasok sa CNN Philippines o GMA 7.

Hay! Mabuti na lamang kami, medyo madami-dami pang kering gawin at pagkakitaan hahahaha!!!

Leave A Reply

Your email address will not be published.