Una sa Balita

Panibagong “rape joke” ni Duterte, nakakatakot sa ilalim ng Martial Law

By
0 3

Tinawag ni Chelsea Clinton, anak ni dating US President Bill Clinton at Hillary si Pangulong Rodrigo Duterte na isang “berdugo” o malupit na mamamatay tao at  walang respeto sa karapatang pantao.

Binatikos ni Chelsea si Duterte dahil sa ginawa nitong ‘rape joke’ sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo sa Iligan City.

“Duterte is a murderous thug with no regard for human rights. It’s important to keep pointing that out (and) that rape is never a joke,” pahayag ni Chelsea sa kanyang Twitter account bilang reaksiyon  sa nabasang news report kaugnay sa mga pahayag ni Duterte.

Ang naturang tweet ni Chelsea ay nilagyan niya ng title na  “Not funny. Ever.”

Si Chelsea ay nag-iisang anak ni dating US President Clinton at dating US Secretary of State Hilary Clinton at dati ring broadcaster.

Ang komento ng batang Clintin ay kaugnay sa sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati  sa mga sundalo  na “Trabaho lang kayo. Ako na bahala. Ako na magpakulong sa inyo. Kapag naka-rape ka ng tatlo, aminin ko na akin ‘yun. ‘Pag nag-asawa ka ng pang-apat, bugbugin ka I will go to jail for you”.

Umani rin ng batikos mula sa Gabriela, ang naturang rape joke ni Pangulong Duterte na hindi natawa ang grupo ng mga kababaihan sa kanyang tinuran.

Sa inilabas na kalatas ng Gabriela, sinabi nito na ang rape ay hindi isang biro kung saan lalong hindi ito dapat banggitin lalo na’t may umiiral martial law sa Mindanao.

Manghihikayat umano ito sa mga sundalo na gawin ang panggagahasa dahil sa pagkunsinti ng Pangulo.