Una sa Balita

Panibagong kontrata para sa inyong lingkod

0 456

Isang napaka-importanteng araw sa buhay ko kung saan ang inyong lingkod ay pinapirma muli ni AMA Chairman Amb. Amable R. Aguiluz V ng mahabang kontrata para mamuno sa AMA sports program.

Ito po ay ginagawa ko na po nang mahigit walong taon sa tulong ni Chairman at President Dr. Amable C. Aguiluz IX.

Kung hindi po dahil sa suporta nila ay hindi po mangyayari ang lahat ng ito.

Masasabi ko na isa ako sa pinakamasu­werteng Sports Director at coach na nagkaroon ng boss na ang turing sa akin ay parang pamilya.

***
Tututok bilang ba­gong mukha ng MPBL Caloocan team sina Mayor Oca Malapitan, Councilor Deam Asistio at Mr. Dennis Villegas.

Kasalukuyan silang naghahanda para sa next season ng Maharlika Pilipinas Basketball League.

Sunod-sunod ang tryout at team meeting para sa pagreporma ng koponan.
***
Binabati ko po ang aking AMA 17-Under Basketball Team na wala pa ring talo sa ongoing Breakdown Basketball League na ginaganap sa Moro Lorenzo Sports Center sa loob ng bakuran ng Ateneo De Manila University.

Ang aking koponan na may 6-0 win loss record ay pinataob ang Bloomfield School sa iskor na 102-76.

Pinangunahan ng mga batang kampeon na sina Reed Baclig, JC Yambao, Christian Camay, Joshua Villamor, Eriz Romero, Earl Bryan Ceniza ang pagdurog sa Bloomfields.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More