Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paniamogan ikakasa uli Road Warriors

0 153

Semis Game 4 sa Miyerkoles (Smart Araneta Coliseum)
3 pm – Ginebra vs NLEX (Gins lead series 2-1)
6 pm – Magnolia vs Meralco

AYAW pang isuko ng NLEX ang semifinals ng PBA Governors Cup, nakaiwas sa three-game sweep nang maisahan ang Barangay Ginebra San Miguel 86-85 Linggo ng gabi sa MOA Arena.

Nailapit ng Road Warriors ang series 2-1 sa kabila ng injuries nina JR Quinahan at Matt Nieto.

“We didn’t play JR today, and Nieto got injured in the third quarter,” ani coach Yeng Guiao pagkatapos ng panalo. The task fell on the shoulders of Philip Paniamogan, and he responded big time.”

Tatlong tres ang tinuhog ni Paniamogan sa third period para ibalik ang NLEX, bago nagsalitan sina Justine Chua, Don Trollano, Kevin Alas at Cameron Clark para kumpletuhin ang come-from-behind win.

Pinalitadahan ni Clark ang 21 points, 17 rebounds sa steal kay LA Tenorio na nag-resulta sa winning and-1 play.

May 7 seconds pa sa orasan, pero sumagasa ng drive si Tenorio sa halip na bumitaw ng 3 para makapuwersa ng overtime.

Pipiliting bumawi nina Justin Brownlee, Tenorio, Scottie Thompson at Christian Standhardinger para pumalaot na sa Finals.

Balik din sa Smart Araneta Coliseum ang Game 4 bukas. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.