Pangulong Duterte, tiklop sa China

By

“Hindi natin kaya ang China…”

Ito ang sagot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng patuloy na pag-angkin ng China sa Scarborough Shoal.

Aminado si Duterte na walang kakayahan ang Pilipinas na awatin ang itinatayong istraktura ng Chinese authority sa Scarborough Shoal kahit na mayroong ebidensya at pag-aaral na sakop ng teritoryo ng Pilipinas ang pinag-aagawang isla.

“Hindi nga natin mapigilan kasi hindi natin kaya ang China. Hindi nga mapigilan ng Amerikano.

In the first place, pag umpisa pa lang niyan, hindi na pumunta ang Amerikano, natakot na,”paliwanag ni Duterte nang matanong sa isyu ng territorial dispiute sa isang media interview sa Myanmar.

Kung ang Amerika aniya na kumpleto sa mga armas ay ayaw makipag-engage ng giyera sa China  ang Pilipinas pa raw kaya na ‘di hamak na atrasado ang teknolohiya at resources sa pakikidigma.

“…it would be a massacre. First hour pa lang ubos na ‘yung, naku. We are not in a position to declare war,”giit ng pangulo.


SHARE