Una sa Balita

Pangulong Digong bawi sa paglago ng ekonomiya

0 36

Taliwas sa bumabang rating sa Social Weather Stations (SWS) survey ay patuloy ang pagkikig ng puntos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa larangan na ekonomiya ng bansa.

Alinsunod sa inilabas na report ng ilang Forbes contributors, maganda ang takbo ng ekonomiya sa ilalim ng Duterte administration kung saan umangat ito ng 8% sa nakalipas na tatlong buwan o .68% sa trade session noong Lunes.

Ayon sa report matatag ang puwesto ng Pilipinas sa ika-10 ranggo sa mga fastest growing economy sa buong mundo ngayong 2017 sa kasalukuyang administrasyon.

Base pa sa report ng World Bank sa Global Economic Prospects ngayong 2017, ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2017 ay inaasahang papalo sa 6.5 hanggang 7.5% o halos dalawang beses ng long-term growth ng Pilipinas.

Napanatili din ng Duterte administration ang stable macro-economic environment ng low inflation at low debt para sa Gross Domestic Product ratio na malaking tulong para ma-sustain naman ang masiglang demand growth.