Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pangit, balyena: Melai, Karla naglaitan

0 64

Buti na lang at hindi pikon si Melai Contiveros, at tanggap ang kanyang itsura, na hindi siya kasingganda ng ibang mga star. Tinawag kasing “chakalou” ni Karla Estrada sa Instagram si Melai.

Nagposte si Karla ng larawan nila ni Melai. Sa caption, binati ni Karla si Melai at pinasalamatan sa pagpapasaya nito sa kanya sa kanilang programa na “Magandang Buhay”.

Pero hindi niya tinawag sa pangalan nito si Melai, kundi sa bansag na chakalou.

Sinabihan nga niyang love you sa mensahe si Melai, pero dinugtungan naman niya ito ng katagang chakalou, katabi ang pangalan na @mrandmrsfrancisco.

Sa gay term, ang ibig sabihin ng chaka ay pangit. Dinudugtungan na lang ito ng maraming letra para magmukhang pangalan.

Anyway, bumawi naman si Melai ka Karla at sa kanyang comment ay nag-thank you siya at tinawag naman niyang “chambelou” at “chabs” si Karla. Term naman `yan ng mga beki sa mga matataba.

K Brosas binanatan si Antiporda

Binanatan ni K Brosas si DENR Usec Benny Antiporda dahil daw sa kayabangan nito.

Nabalita ang pagiging positive sa COVID-19 ni Antiporda at sa kanyang FB post, sinabi niyang kaya niyang gamitin ang kanyang impluwensya para tanggapin ng anumang ospital dahil sa rami ng mga natulungan niya.

Binanggit nito ang Capitol Medical Center na siyang mag-a-accommodate raw sana sa kanya, pero binigay niya ang prebilehiyo sa ina ng isang kaibigan sa media na malubha ang kalagayan.

Sa bahay na lang daw sila mananatili ng kanyang asawa para magpagaling.

“Sir teka lang po, bakit kelangan pagmalaki at post na may “influence” ka? Kung madami po kayong natulungan salamat pero sorry po kc sa dami namamatay at walang hospital na tumatanggap hindi na dapat i- remind kami na gayan “kalakas” kahit alam na namin. Get well soon po,” banat ni K kay Antiporda.

Kilala si K na kritiko ng gobyerno partikular na sa isyu ng dolomite sa Manila Bay, at PhilHealth.

Derek ‘pekeng ama’ sa anak ni John Lloyd

Inari na nga na parang tunay na anak ni Derek Ramsay ang anak ni Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz. Sa bagong post ni Derek sa Instagram, makikitang nakikipaglaro siya sa pool sa anak ni Ellen.

Makikitang enjoy ang bata sa pagtuturo ni Derek sa kanya ng paglangoy. Gaya nga nang naisulat namin noon, kung hindi alam ng marami na hindi ito anak ni Derek, mapagkakamalang dugo at laman ng aktor ang bata.

Hindi lang si Ellen ang binubusog ni Derek ng pagmamahal at atensyon kundi pati na rin ang anak nito kay John Lloyd. Ito ‘yung mga moment na hindi magawa nang madalas ni John Lloyd sa growing up stage ng anak, dahil may iba na si Ellen, at engaged na ito kay Derek.

May mga nagngitngit pa ring mga basher kay Derek at tinawag itong “fake dad” sa comment nito sa kanyang nasabing post. Sinabihan pa itong gawin niya ang ginagawa nito sa anak ni Ellen sa sariling anak.

Hindi alam ng mga basher na malaki na ang sariling anak ni Derek ngayon. Di gaya ni John Lloyd na nakakasama niya paminsan-minsan ang anak, si Derek ay hindi, dahil malaki na nga noong makita ni Derek ang sariling anak.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.