Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pangingikil ng NPA sa mga politiko bantay sarado

0 94

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang lahat ng mga tanggapan at yunit ng pulisya laban sa pangingikil ng New People’s Army (NPA) ngayong panahon ng halalan.

Ito ay matapos balaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rebeldeng komunista at political warlords na lumayo sa National at Local Elections sa susunod na taon sabay giit na dapat pigilan ang mga miyembro ng NPA sa pangongolekta ng “permit-to-campaign” fees sa mga politiko.

“Nagpapaalala rin ako sa mga kakandidato na huwag patulan itong ilegal na gawain ng mga rebeldeng komunista. Sama-sama nating siguraduhin na maging malinis at maayos ang eleksyon sa susunod na taon,” hirit pa ng opisyal.

Siniguro ni Eleazar na magiging mapagmatyag ang mga pulis laban sa mga rebeldeng komunista at iba pang local threat group bago, habang at maging pagkatapos ng halalan.

Tiniyak din ng opisyal na hindi pababayaan ng pulisya at haharangin ang mga masasamang elemento. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.