Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pangingikil ng CPP-NPA naawat ng local off’l, NTF-ELCAC

0 78

BILANG bahagi ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC), malaking papel ang ginampanan ng mga local officials sa pagtigil ng pangingikil ng mga komunistang-terorista nitong nagdaang halalan.

Ito ang mga tinuran ni Department of the Interior and Local Government (DILG) UnderSecretary Jonathan Malaya kahapon sa regular na virtual press briefing ng NTF-ELCAC sa matagumpay na pagtigil sa pananakot na ginagawa ng mga rebelde.

Sinusugan ni Malaya ang ulat ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte na walang mga politiko o local government unit (LGU) officials na pumayag at bumigay sa pangingikil o ‘permit to campaign’ ng mga Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

“Magandang report ito sa Pangulo ni Secretary Año,” sabi ni Malaya, na dinagdag pa ang warning ni Año bago pa maghalalan, na mananagot ang sino man na bumigay sa ‘demand’ n CPP-NPA-NDF sa paglabag ng Republic Act 10168, kilala bilang “Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012”, Section 261 ng Omnibus Election Code at Article 137 ng Revised Penal Code or the Disloyalty of Public Officers.

Ani ni Malaya ang pagkilos na ito ng pagsasama-sama ng lahat ay nagbunyag rin sa halos na mababang bilang ng mga ‘election-related violences’ (ERV), na 20 lamang na insidente ang naitala ngayong eleksiyon, kumpara noong 2010 elections na may 166 insidente at 133 ERV naman noong 2016 elections.

Leave A Reply

Your email address will not be published.