Una sa Balita

Pangil nina Gonzales, Hernandez lumabas

0 268

LUMABAS ang bangis nina rookies Cyril Gonzales at Paolo Hernandez matapos nilang akayin ang Mapua Cardinals sa 76-66 panalo kontra Emilio Aguinaldo College sa 95th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City kahapon.

Kumayod si Gonzales ng 13 points habang nag-ambag si Hernandez ng 11 puntos upang tulu­ngan ang Cardinals na sikwatin ang two-game winning streak at ilista ang 2-5 karta.

Abante ang Cardinals ng walo sa halftime, 35-27, pero tumikada ng 7-0 run ang Gernerals sa simula ng third para ibaba ang lamang ng Intramuros-based squad sa isa, 35-34.

Pero hindi nasira ang diskarte ng Mapua, humarurot naman sila ng 21-0 blast para hawakan ang malaking bentahe, 56-34, sa bandang dulo ng third.

“Sana, makatulong itong dalawang sunod na panalo,” saad ni Mapua assistant coach Yong Garcia. “Galing kami sa 0-5, down ang mga bata, pero ang focus lang namin is one game at a time.”

Naging instrumento rin sa panalo ng Cardinals si Laurenz Victoria, nirehistro nito ang 10 markers habang may walo ang kinana ni Warren Bonifacio.

Namuno sa opensa para sa EAC si JC Luciano ng 12 pts. at pitong rebounds habang tumipa si JP Maguliano ng 10 puntos at anim na boards.
Nalasap ng Generals ang pang-anim na talo sa pitong salang. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy