Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Panghahalay’ ni Bill Cosby 50 years ago binuhay sa korte

0 74

Magsisimula na ang trial ng 84 year-old disgraced American comedian na si Bill Cosby sa California kunsaan may civil suit dahil sa pag-assault niya sa isang teenager 50-years ago.

Judy Huth ang pangalan ng teenager na iyon at noong mid-’70s ay hinalay raw siya ni Cosby sa Playboy Mansion. Fifteen years old lang noong si Huth.

Dahil sa ginawa ni Cosby sa kanya, nag-suffer siya ng psychological damage and mental anguish.

Noong 2014 unang nai-file ang kaso na ito ni Huth laban kay Cosby. Natagalan lang dahil inuna muna ang mga aggravated indecent assault charges ni Cosby sa Pennsylvania.

Sa kuwento ni Huth, nakilala niya sa film set si Cosby at pagkaraan ng ilang araw ay inimbitahan siya nito sa isang tennis club. Binigyan daw siya ng alak at dinala siya sa Playboy Mansion kunsaan hinalay siya ni Cosby.

The case is being heard in Santa Monica, next to Los Angeles, and begins with jury selection.

Noong 2018, Cosby was convicted of aggravated indecent assault against Andrea Constand. Nabilanggo siya hanggang sa palabasin siya noong 2021 ng Supreme Court of Pennsylvania for violations of Cosby’s 5th Amendment and 14th Amendment due process rights. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.