Una sa Balita

Pangchi-chicks ni Kean binuking ng ex-GF

0 444

Isa sa mga itinanong ni Vice Ganda kay Arci Munoz na ikinaloka niya ay ‘yung ano talaga ang rason ng paghihiwalay nila ni Kean Cipriano noon. ‘Di ba nga, naging hot item din ang dalawa noong mga bata-bata pa sila, at parehong nasa TV5 pa.

Pero, biglang-bigla nga, naghiwalay na lang sila, at hindi na namalayan ng publiko kung ano ang dahilan. Pero, sa tanong nga kay Arci, ‘Sagot’ ang pinili niya.

“Ang luma na noon. Ang tagal-tagal na noon, eh!” sabi ni Arci.

Pero, pinilit nga siya ni Vice sa dahilan, at ang sagot niya;

“Nang-chicks! Hahahahaha!” natatawang sabi ni Arci.

Pero, paglilinaw ni Arci ulit, okey na okey na sila ni Kean, at pati nga ang misis daw nitong si Chynna Ortaleza ay tropa-tropa na rin niya.

Hindi man daw sila ganu’n ka-close, pero hindi rin naman daw sila magkaaway. So, tapos ang boksing. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More