Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pangasinense instant yaman sa P6M 6/42 Lotto

0 133

Isang mananaya mula Pangasinan ang panibagong instant milyonaryo sa pagtaya sa lotto matapos nitong mapanalunan ang halos P6M milyong jackpot sa Regular Lotto 6/42 na binola Linggo ng gabi.

Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kahapon, nakuha ng masuwerteng mananaya ang winning combination na 21-11-19-08-42-04 na may kabuuang jackpot na P5,940,000.

Ang ticket ay nabili sa isang lotto outlet sa Urdaneta, Pangasinan base pa sa anunsyo ng PCSO.

Mayroon namang 110 mananaya ang mag-uuwi ng tig-P24,000 matapos nilang makuha ang lima sa anim na winning numbers.

Ito na ang ikalawang naging instant milyonaryo sa pagtaya ng lotto ngayong buwan ng Disyembre. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.