Una sa Balita

Pangasinan teacher wagi sa International School award

0 503

Isang Grade 7 English teacher ang pinarangalan ng International School Awards sa Dubai, United Arab Emirates (UAE) dahil sa husay niya sa pagtuturo.

Nakita ang kaga­lingan ni Belen Oca ng Mangaldan National High School nang maging facilitator ito ng Massive Open Online Courses (MOOC) Camp ng US Embass­y sa Pilipinas mula noong 2017.

Tumungo ng Dubai si Oca noong nakaraang Disyembre upang kunin ang Award for Contribution in the International Stage na ibinigay ng International School Awards.

“Passion for tea­ching, at ‘yong pagmamahal ko sa mga anak ko ang nag-motivate sa akin na mag-join. Gusto ko po kasi maging proud sila sa akin at para pahalagahan po nila ang pag-aaral,” saad ni Oca.

Hinimok din niya ang mga estudyante at mga propesyunal na samantalahin ang mga libreng online courses.

Si Oca ay itinalagang miyembro ng Action Research Committee sa Junior and Senior High School Department ng Ma­ngaldan National High School at naging resource speaker ng iba’t ibang seminar, tulad ng school-based trai­ning workshop on module writing.

Inalok siya ng US Embassy na maging facilitator nang magtapos ito sa online Ame­rican English E-Tea­cher program.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy