Una sa Balita

Pangasinan nilindol

By
0 5

Dalawang lalawigan sa Luzon at sa Mindanao region ang niyanig ng lindol kahapon.

Alas-7:14 naman ng umaga nang tumama ang magnitude-2.9 na lindol sa bayan ng San Marcelino sa Pangasinan.

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa walong kilometro sa Silangan ng San Manuel.

May lalim na 23 kilometro ang lindol at tectonic din ang origin.

Naitala naman ang Intensity 3 sa bayan ng San Manuel.

Samantala, magnitude 4 ang naramdamang lindol sa bayan ng Saranggani, Davao Occidental.

Ang paggalaw ng lupa ay naganap bandang alas-4:56 ng umaga sa 232 kilometro timog ng Saranggani. Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 34 kilometro.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang lindol.