Una sa Balita

Pangasinan barangay kagawad pinagbabaril

By
0 3,302

PINAGBABARIL ang isang barangay kagawad sa loob ng kotse nito ng isang suspek na nakasakay sa ­motorsiklo noong Linggo sa ­Manaoag, Pangasinan.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Armando dela Cruz, 43-anyos, barangay kagawad ng Sitio Isla, Pin­maludpud, Urdaneta City sa nasabing lalawigan.

Sa paunang imbestigasyon, sinabi ni Mana­oag Police Station (MPS) commander Chief Insp. Dave Mahilum, nakasakay ang biktima sa kanyang kotse nang biglang humarang ang hindi pa kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo. Bumunot agad ito ng baril at pinagbabaril ang barangay kagawad sa ­kahabaan ng Manaoag.

Ayon kay Mahilum, sinigurado ng suspek na patay ang biktima bago ito tumakas sa hindi ma­lamang direksyon.

Narekober ng MPS Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) ang anim na basyo ng kalibre sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon pa kay Mahilum, patuloy ang ginagawang follow-up investigation ng MPS kung may kinalaman sa politika ang pamamaril sa biktima.