Una sa Balita

Pangarap ng ama’t ina tinupad ni Diaz

0 618

HINDI lamang ang mapanalunan ang unang gintong medalya nito sa kada dalawang taon na Southeast Asian Games ang natupad ni Hidilyn Diaz.

Natupad din nito na makapagtala ng panalo sa harap mismo at habang nanonood ang kanyang mga magulang.

“Matagal ko na po na pangarap na magawa na mag-compete ako na nanonood ang mga magulang ko,” sabi ni Diaz, na ikalima sa anim na anak nina Eduardo at Emelita Diaz.

“Medyo may pressure po para sa akin na makita na nanonood ang mga magulang ko,” sabi ni Diaz. “Pero maganda na rin po dahil alam kong sinusuportahan nila ako kaya mas lumakas ang loob ko na makabuhat at ­masungkit ang inaasam ko na gintong medalya,” sabi ng 2016 Rio De Olympics silver medalist na si Diaz.

“Dati po kasi, kapag nagkoko-compete ako abroad, hindi sila makasama. Kaya ngayon na may pagkakataon na mapanood nila mismo kung paano ang mga ginagawa naming bago lumaban, isinama ko na sila at sila mismo ay naintidihan nila kung gaano ang paghihirap namin bago mag-compete,” sabi ni Diaz.

Unang nagcompete si Diaz sa kada dalawang taong torneo noong 2005 kung saan nagkasya lamang ito sa pilak. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More